Ms. Old Sta Mesa is ‘Darling of the Press’ ng Miss Manila 2024
Advertisers
UNANIMOUS ang hatol ng mga taga- media kung sino ang dapat hirangin bilang “Darling of the Press”, sa Miss Manila 2024 sa ginanap na Grand Press Presentation sa Swiss-Bel Hotel Blulane, Binondo, Manila. At ito ay walang iba kundi ang 20-anyos na kinatawan ng Distrito ng Old Sta Mesa na si Charyzah Esparrago.
Simple lang ang naging tugon ng mga taga-Press kung bakit si Esparrago ang napisil napisil nila: ” dahil sa angkin nitong husay sa pagsagot sa mga ipinukol na tanong ng mga mamahayag.”
Iba’t-ibang bersyon ng matatalinong sagot sa tanong na…bakit sila “Women of Worth”, ang ipina-sample sa mga taga- media, pero Isa lang sa 24 na kandidata ang kokoronahan sa ng Miss Manila Hunyo 22 sa Metropolitan Theater kung saan gaganapin ang Grand Coronation Night .
Ipapalabas naman ang Grand Coronation sa GMA 7 sa June 23, 2:00 pm – 4:15 pm matapos ang All-Out Sundays.
At sa pagkakataon ito, hindi lamang isang Ms. Universe title holder ang magho-host ng pamasong beauty contest kundi dalawa. At kung bitin pa ang mga beucon afficionados, sinamahan pa ang dalawang Miss U. title holders ng hindi rin magpapatalo sa ganda na isang tv host at actress, kaya naman maliban sa mga naggagandahang 24 finalists sa Ms. Manila 2024 ay aabangan ding tiyak ang mga hosts na sina Catriona Gray, Miss Universe 2018, RBonney Gabriel Miss Universe 2022 at Ms. Gabbi Garcia.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na magsisilbing host si Catriona.
Magsisilbing miyembro ng pinagpipitaganang selection committee sina GMA 7 Executive Ms. Annette Gozon-Valdes, Sparkle’s Joy Marcelo, Miss Universe-Philippines 2024 Chelsea Manalo at Ms. Charo Santos-Concio.
Sa kabuuan ng “Miss Manila 2024” kasamang itatampok ng 24 na naggagandahang kandidata ang pamoso dahil sa iba’t-ibang architectural landscape na nagpapakita din ng mayamang kasaysayan at pamanang kultura.
Ipapadama din ng mga kandidata ang lakas at tatag ng mga iconic at culturally defining places tulad ng Sta. Cruz, Binondo Chinatown at Divisoria
Ang “Miss Manila 2024” ay hatid sa inyo ng City of Manila, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila sa pamumuno ng Direktor nito si Mr. Charlie Dungo, KreativDen. Also presented by Cream Silk, Royal Aesthetics, Swiss Bel Hotel Blulane, Ever Bikena, Aqua Sweet, Strong Media and Globaltronics. (ANDI GARCIA)