Advertisers

Advertisers

CBCP: 12 days suspended ang religious activities

0 337

Advertisers

MABILIS na tumugon ang Simbahang Katolika sa panawagan ng mga doktor na ibalik muna sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng covid-19.
Sa ipinalabas na Pastoral Instruction ng Archdiocese of Manila, babalik sa ECQ protocols ang mga simbahan at wala na munang religious activities mula Agosto 3 hanggang 14.
Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, ito ay bilang tugon sa panawagan ng mga medical frontliners na humiling ng dalawang linggong “time out” dala na rin ng matinding pagod at depresyon.
Gayunman, nilinaw ni Pabillo na tuloy naman mapapanood online ang mga misa.
Magugunitang nanawagan ang grupo ng mga doktor kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbalik-ECQ ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na ito kailangan subalit kamakalawa ng gabi ay ipinag-utos ng Pangulo sa Inter-Agency Task Force na pag-aralan ang apela ng mga doktor. (Jonah Mallari/Andi Garcia)