Advertisers

Advertisers

Bilang ng mga nasawi sa covid ‘di naire-report ng tama – Dr. Leachon

0 328

Advertisers

NANINIWALA si dating Task Force Against Covid-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon na hindi naire-report ng tama ang bilang ng nga nasawi sa covid-19 na posibleng umabot pa ng higit 4,000.
Paliwanag ni Leachon, karamihan sa mga dinadala sa mga ospital ay malala na at namamatay bago pa man sila makuhaan ng swab test.
“Ang tingin ko niyan, underreported ang deaths natin siguro ng mga 4,000. Kasi ang dami po sa emergency room, maging sa hospital namin, at sa Philippine General Hospital at many other hospitals, that the patients would only come to the hospital, siyempre dahil wala silang pera, malala na po,” ani Dr. Leachon.
Hindi umano nakakasama sa record ang mga pasyente na namamatay kahit na lumabas sa kanilang Xray ay typical covid-19 pneumonia dahil ang basehan na may covid-19 ay swab test.
Sa datos ng Department of Health, as of August 1, nasa 2,039 ang mga namatay sa covid-19. (Jonah Mallari)