Advertisers

Advertisers

‘Di na nga matagpuan si Michael Yang

0 16

Advertisers

TULAD ng isinulat ko sa nakaraan kong kolum, malabong matagpuan o maaresto ang sinasabi ni dating Senador Antonio Trillanes na “drug lord” na si Michael Yang.

Si Michael Yang, na naging economic adviser ni dating presidente Digong Duterte, ay kasalukuyang iniimbestigahan ng House of Representatives kaugnay ng pagkakasangkot nito sa nasamsam na P3-billion halaga ng shabu sa Mexico, Pampanga noong 2023.

Napag-alaman na peke ang identities at puros huwad ang mga dokumento ni Michael Yang sa kanyang landholdings sa bansa. Araguy!!!



Kung peke ang mga pagkakilanlan at huwad ang mga dokumento sa isang negosyo, ibig sabihin ito’y ginagamit sa mga iligal. Mismo!

Bago pa ang nasamsam na P3-B shabu sa isang warehouse ng 999 Empire na pag-aari ng kanyang interpreter na si Lincoln Ong sa Pampanga, si Michael Yang ay maraming beses nang isinangkot sa mga pagparating ng iligal na droga sa bansa nina dating anti-drug Police Colonel Eduardo Acierto, dating Senador Antonio Trillanes, at ng umaming “hitman” ng Davao Death Squad (DDS) na si ex-police Arturo Lascanas.

Si Lascanas ay dikit na tao ni Duterte. Halos lahat ng kanyang mga sinabi laban kina Michael Yang at Duterte ay mga detalyado. Kahit bali-baliktarin siya ng mga tanong ay detalyado ang kanyang mga sagot, tuilad ng kanyang mga ibinunyag sa Vera Files tungkol sa relasyon nina Duterte at Michael Yang.

Si Michael Yang, ayon kay Lascanas, ay matagal nanatili sa Davao City.

Isang Chinese “drug lord” rin daw ang nagpakilala kay Michael yang kay Duterte, kungsaan naging mag-close ang dalawa dahil marami raw itong negosyo na dinala sa Davao City.



Inamin narin naman noon ni Duterte na dikit sila ni Michael Yang. Bilyonaryo raw ito. Nilinis niya nga si Yang sa mga kontrobersiya at anomalya sa Pharmally.

Sa expose naman noon ni Acierto, si Michael Yang daw ang may-ari ng shabu lab na kanilang sinalakay.

Pero ang expose na ito ni Acierto ay naging daan para masibak siya sa serbisyo at ma-wanted sa batas.

Oo! Dapat palutangin ngayon ng Kamara si Acierto at ipakuwento uli ang kanyang mga nilalaman sa naging talamak na droga sa Davao Cituy noong alkalde si Duterte.

Sabi kasi ni Lascanas, si Duterte ang lord ng drug lords sa Davao City.

Ang expose nina Acierto at Lascanas ay tugma rin lahat sa naging expose noon ni Trillanes.

Balikan natin si Michael Yang. Paano ngayon isisilbi ng Kamara ang invitation for investigation kay Michael Yang eh cannot be found na ito?

Kahit i-contempt pa nila ang Intsik na ito at isyuhan ng arrest warrant, tulad ng ginawa ng Kongreso kay Pastor Apollo Quiboloy, ay tiyak na hindi nila ito matatagpuan.

Malamang nasa ibang bansa na nagtatago si Michael Yang. Pramis!!!

Bakit hindi nalang si Lincoln Ong ang ipatawag ng Kamara? Tutal nakapangalan naman kay Ong ang warehouse na pinagtaguan ng P3-bilyong halaga ng shabu. Mismo!

Kapag nagkataon, maraming dati at aktibong opisyal ng pamahalaan ang matatanggalan ng maskara, na mga nakinabang kay Michael Yang at Lincoln Ong. Abangan!