Advertisers

Advertisers

2 shabu dealers, todas sa drug ops

0 4

Advertisers

Nasawi ang dalawang shabu dealers na pumalag sa isang entrapment operation sa Barangay Libayuran sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi nitong Lunes, May 13, 2024.

Sa ulat nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nauwi sa pagkamatay ng drug dealers na sina Akmad Munib Usman at Gorrie Sajili Usman ang engkwentrong naganap sa pagitan nila at ng magkasanib na PDEA-BARMM agents at mga operatiba ng ibat-ibang units ng Tawi-Tawi Provincial Police Office.

Tangkang aarestuhin na sana ng PDEA-BARMM agents ang dalawa matapos magbenta sa kanila ng P340,000 na halaga ng shabu sa Barangay Libayuran sa Tawi-Tawi, ngunit bigla silang naglabas ng mga baril kaya nagkapalitan ng putok na nag-resulta sa kanilang kamatayan.



Ayon kay Castro, nailatag ang naturang entrapment operation sa tulong ng local government unit ng Panglima Sugala at ng tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Nakumpiska ang mga shabu, baril at iba pang mga gamit sa dalawang drug dealers na napatay dahil nanlaban sa mga PDEA-BARMM agents na nag-entrap sa kanila nitong Lunes sa Barangay Libayuran sa Panglima Sugala sa malayong probinsya ng Tawi-Tawi.