Advertisers
Ginahasa ng isang security guard ang 16-anyos na anak sa Quezon City noong Lunes ng madaling araw.
Sa ulat, dumulog sa QCPD Station 9 ang nanay ng biktima kaya agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at inaresto ang suspek sa pinapasukang trabaho sa Araneta Avenue sa Quezon City.
Sa panayam kay station commander Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, nakainom umano ang suspek nang gahasain ang anak. Wala rin ang nanay ng dalagita nang isagawa ang panghahalay.
Aminado naman daw ang suspek sa nagawa niya at humingi ng pasensya sa kaniyang pamilya.
Nakapiit ngayon ang suspek Anonas Police Station at nahaharap sa reklamong statutory rape.
Dagdag pa ng ulat, nakulong na rin noon ang suspek dahil sa kasong serious physical injuries.