Advertisers
Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.4 million na halaga ng shabu sa isang dealer na na na-entrap sa Marawi City nitong Martes, May 13, 2024, sa isang anti-narcotics operation na naisagawa a tulong ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Nasa kustodiya na ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng suspect na si Arham Hadji Omar Alim, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Mapayapang nagpaaresto si Alim sa mga operatiba ng PDEA-BARMM at mga pulis na kanyang nabentahan ng kalahating kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang entrapment operation sa Barangay Marawi Poblacion sa Marawi City, kabisera ng Lanao del Sur.
Sa pahayag nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, nailatag nila ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng PRO-BAR na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Prexy Tanggawohn at ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. na siyang chairman ng kanilang Provincial Peace and Order Council.