Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
SIX years old na ngayon ang anak ng komedyanang si Pokwang at ni Lee O’ Brian na si Malia.
Sey ni Pokwang, hindi pa raw niya naipaliliwanag sa bunsong anak kung ano ang mga pinagdaanan nila ng ex niyang si Lee.
“Wala muna, pinalaki kong matatalino ‘yung mga anak ko, alam nila iyan. At siguro kung mayroong dapat mag-explain dito, hindi siguro ako, kundi si Lee.
“I did my part as a mom, and as a dad,” paliwanag pa ni Ms. P.
Matandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan nina
Pokwang at Lee more than one year na ang nakalilipas.
Lahad pa ng aktres na sobrang nasaktan daw sa paghihiwalay nila ang panganay na anak na si Mae.
“Tahimik lang kasi ‘yung anak ko. Pero alam ko deep inside nasaktan ‘yan for me, 17 years kaming dalawa lang eh. Then biglang dumating (si Lee) then tinanggap niya naman nang bukas sa puso niya because nakita niya na masaya ako then nangyari ito. Kung may pinakanasaktan dito, siya iyon,” sabi pa ng Kapuso aktres.
Pinagkatiwalaan umano ni Mae si Lee noon at umasang magtatagal ang relasyon ng aktor at ng ina.
“Sabi niya nga sa akin, ‘You did your best para mabigyan ako ng magandang buhay and then this person biglang dumating na sinaktan ka lang nang gano’n. Sinabi niya ‘yon, ‘Pinagkatiwala kita sa kanya kasi nakita ko na masaya ka naman noong una. Tapos ngayon kung may pinakanasaktan dito, Ma, ako iyon,’” pagtatapat ng anak ng komedyana.
***
SA araw ng mga Ina kaya ipinagdiriwang natin ang Mother’s Day na isang malaking karangalan para sa King of Talk Boy Abunda na na naging panauhin niya sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda “ si Dina Bonnevie.
Matatandaang anim na taon lamang tumagal ang pagsasama ng aktres at Vic Sotto noon.
Ayon sa kuwento ni Dina sa naturang programa ni Kuya Boy na sobrang nakaramdam daw siya ng lungkot sa tuwing naaalala iyon.
Dagdag pa ng premyadong aktres na ang sakit na dulot ng kanilang hiwalayan dahil sa dalawang anak ay hindi raw niyanbasta makakalimutan.
Hindi naman itinatago ni Dina at aminado ang magaling na aktres na nakaramdam daw siya ng galit noon kay Coney Reyes dahil nakarelasyon din ito ni Vic.
Pero deretsahang sinabi ni Dina na dumating ang tamang panahon na napatawad ni Dina sina Coney at Vic.
Tuwang tuwa nga raw si Dina dahil humantong daw sa mabuting pagkakataon ang nararamdaman nilang dalawa ni Coney huh!
“It took a lot of time until the point na, Danica was telling me, ‘Alam mo Mommy, you’re so bitter. I wish you would really let go, because you’re so bitter.’
“Kasi every waking moment, kapag I felt sad and alone, having a hard time with the kids, transferring houses and all these things,” makahulugang banggit pa ni Ms. D.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin naman ang buhay kay Dina.
Kaya nga raw siya nagsusumikap nang husto ngayon para sa mga anak niyang sina Oyo Boy at Danica huh!
Para sa aktres ay nagsisilbing inspirasyon ang dalawang anak upang pagbutihin pa ang kanyang mga ginagawa.