Advertisers

Advertisers

AFTER BEA… SHARON SINAMPAHAN DIN NG LIBEL CASE SI CRISTY 

0 9

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAG-file ng libel case si Sharon Cuneta laban kay Nanay Cristy Fermin.

Kasama ni Megastar ang mister na si  Kiko Pangilinan sa Makati City Prosecutors’ office para maghain ng reklamo.



Pagkatapos ni Bea Alonzo nag-file ng cyber libel complaint sa TV host, veteran writer, heto at ang singer/actress naman ang nag-file ng parehong reklamo sa batikang manunulat

Kasama ng couple ang kanilang legal counsel Britanico Sarmiento at ang Ringler Law Firm.

Kay  Prosecutor Dindo G. Venturanza ng Makati Prosecutor’s Office naglagda ng statements ang mag-asawa.

“Inalagaan ko yung pangalan ko ng 46 years. Maganda ang palaki sa akin ng magulang ko. At higit sa lahat, sabi ng tatlong anak ko mabuti akong ina. So napakasakit sa akin. Nagpatong patong. So people picked that up and talked as if they live our lives when they see us and know what we’re going through.

“My children have suffered and ang sama ng loob nila. We’ve been off social media because of this. Ayoko ‘to eh, kung puwede lang. But it’s a message also, na artista kami, pero ang daming nakakalimot na nasasaktan din kami, di ba? Na hindi niyo rin naman kami kilala. Nakikita niyo lang kami on air. So okay lang yun. I’m very ano pag pinipintasan. That’s part of it,” ani Sharon sa ilang press na naroroon.



Tinanong kung anong documents ang kanilang hinain, hindi ito sinagot ng mag-asawa dahil  ongoing case na raw ito.

Ayon naman kay Kiko, ang reason kung bakit sila nagdesisyon na kasuhan si Nay Cristy was because of the damaging material against his family released through vlogs on Cristy’s YouTube channel.

“Cybercrime law dahil malicious and imputation of defamation of our persons. Sabi nga natin, na yes, we are public figures, but we also have rights,” lahad pa ng dating senador.

***

BILLY PINAKAKALMA ANG NETIZENS

Nagpost ng bagong photo niya si Billy Crawford.

Nilagyan niya ito ng caption, “me after getting over jet lag” at sinabing “Kalma Madlang People.”

Nabahala kasi ang netizens sa looks ni Billy nang umapir siya sa isang viral video.  In-assure naman ng singer ang netizens na okey ang kanyang well-being sa bago niyang social media post.

Sa huli ay may heartfelt message siya para sa asawang si Coleen Garcia dahil sa pagdedepensa nito sa kanyang viral post.

Pinasalamatan niya ang misis for always being there by his side and supporting him through many challenges.

He also expressed his gratitude to Coleen for filling their home with love and warmth. “Love you forever,” aniya sa kanyang misis.

***

DINGDONG DINENAY NA LDV ISYU

SAMU’T saring komento ngayon ang lumalabas sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Dinenay ng actor ang rumor na may anak siya kay Lindsay de Vera.

Muli kasing kumalat na totoo ang namamagitang relasyon kina Dingdong at sa Kapuso young actress na pinabulaanan na noon ni LDV.

Ngayon nga ay muling naging hot topic ang dalawang Kapuso stars nang may nagbulgar na may anak na umano ang dalawa na siya naman ngayong pinabubulaanan ng mister ni Marian.

Komento ng netizens.

“Juice mio, dati iniinsist nila na me anak daw sina Antonette (Taus) at Dingdong, kaya pumunta raw ng States si Toni kasi buntis. Tapos dinala raw pabalik ni DD yung bata. Yun pla kapatid niyang bunso na 7 yrs old plang nun. Tapos ngayon eto naman. Siguro maglabas ang mga source na yan ng pruweba o kung san man andun yung Lindsay na kahit sya nagdeny din doon.”

“kay Marian naman daw may anak noon sa pagkadalaga at tinatago, ngaun ito naman. Jusko, buti nalang matatag ang pamilya na ito. Kung sino pa matino un pa ang sinisira”

“Kasuhan niya un mga Maritess na nagpapakalat niyan”

“matagal na ding dineny ni girl etong issue na to and she was able to work with dd on multiple seryes, i dont think marian would allow her husband to work with someone na nangaahas ng asawa, we all know how selosa she is kaya di kapanipaniwala itong pilit nilang binubuhay na issue. ang weird lang.”

“Naniniwala ako kay dd and if ever lang naman naligaw sya ng landas i dont think masisira pamilya nila. Tipo ni marian ilalaban yung karapatan nya at ang asawa nya kanya lang kahit may humarot pa”

“Nadulas si Dong, “nagdadalawang isip talaga ako kagabi kung sasabihin ko ba…” hehehe..if you know, you know”

“Yung ke Antonette ang puzzling din kasi umalis siya ng Pilipinas at the height of her popularity as a teen star. Nanahimik siya saglit. Matagal bago lumabas na nag-audition siya sa Hollywood. Pero kaduda-duda talaga. Parang gaya ke Janice de Belen na umalis sa Flor de Luna sa kalagitnaan ng kasikatan at sabi di na magaartista pero bumalik din naman sa pagaartista later on. At matunog din noon na nabuntis siya ni Gabby.”

“Asus…May umaamin ba sa ganito. #RealTalk”

“Ibahin mo si Dingdong..Ayaw paniwalaan dahil iba ang gustong marinig sa bibig ni DD? Disappointed kasi paniwalang paniwala sa fake news #RealTalk”

“Walang umaamin sa ganyan. Time is the ultimate truth teller, jan na lang tayo umasa mga marites! Lol Pero nasan na ba si Lindsay de Vera ngayon bakit parang MIA sya?”

“When there’s smoke there’s fire.”