Advertisers

Advertisers

Karla Estrada Tabi… Rodolfo Jackson The Original & The Real Queen Mother Na Maraming Pinayaman At Natulungan Sa Bar

0 8

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

TULAD ng nakararami ay from rags to riches din ang naging buhay ng isa sa pioneers na nagtayo ng gay bar sa Pilipinas na si Rodolfo Jackson a.k.a The Real Queen Mother Jackson. Itinayo ni Queen Mother ang Inside Bar noong mid 70’s na malapit lang sa may Luneta Park. At dahil sa maayos na pamamahala at magandang PR at good looking na mga artistahing alaga, dinudumog ito gabi-gabi noon.

At mula sa showbiz, (mga closet queen) politics at businessmen ang mga kliyente ni Queen Mother J. Saka silang tatlo lang ng 690 at Monokel ang gay bars noon pero ang edge niya (Mother J) ay class ang kanyang nasabing gay bar. Si Queen Mother J din ang nagpauso ng envelope sa showbiz press.
Yes, kaya naman kaliwa’t kanan ang publicity sa diyaryo, komiks at magazine ng kanyang mga talent. Dalawa rito ay pinasok ang pag-aartista, sina Raffy Bonanza at Lambert Lorenzo o kilala bilang actor na si Robert Ganon na nakasama si Nora Aunor at ni late Angela Perez. Yumaman din ang iba pa nitong mga alaga na nasa ibang bansa na dahil tinulungan sila ng mga kliyente nilang mayayaman sa Inside Bar. Maging ang isa sa mga empleyado ni Queen Mother J na si Albert Lunes ay asensado na at may mga apartment sa Pinas dahil sa pagiging flourist sa Abu Dhabi.



At dahil well loved si Mother Jackson ay andami nitong kaibigan sa showbiz kabilang na ang director na si Joel Lamangan, mga owner ng sikat na Salon gaya ni Jessie Mendez at mga couturier like Mike dela Rosa. Pagdating naman sa world-class impersonation ay dapat mag-seminar kay Mother J ang mga DRAG Queens. Ipinamalas ni Queen Mother Jackson ang galing sa nakaraang fabulous birthday party niya sa Citystate Hotel sa Quiapo, Manila na well attended talaga. Inimpersonate niya rito ang THE GREATEST PERFORMANCE OF MY LIFE ni Shirley Bassey at Gloria Gaynor’s na I AM, WHAT I AM. Pinalakpakan siya lahat ng kanyang mga kaibigang bisita at sumigaw pa ang mga ito ng “More” dahil na-entertain sila sa performance ng minamahal nilang Mother.

Well, ang motto ni Queen Mother J ay maikli lang ang buhay kaya dapat masaya lang. Napakaganda ng outlook nito sa buhay na very positive. Imagine mula sa pamumulot ng basura sa Quiapo ay naging matagumpay ito sa buhay. Kasi maganda ang pananaw ni Queen Mother J. Kaya Karla Estrada tsupi o tabi dahil ang totoong Queen Mother ay si Rodolfo Jackson.

By the way, this May 19 ay personal na inimbita si Queen Mother Jackson ng friend niyang Icon Jewelry Queen na si Gerry E. Sunga para sa SANTACRUZAN. Gaganapin ang nasabing Santacruzan sa Intramuros, Manila at special guest dito ang mag-mommy Zsa Zsa Padilla at Karylle.