Advertisers
INATASAN na ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang regional offices na paghandaan na ang La Niña, ito ay sa kabila na hindi pa man natatapos ang pananalasa ng El Niño.
Pahayag ng DA, nakikini-kinita na nila na mas magiging mapaminsala sa sektor ng agrikultura ang mga pag-ulan na dulot nito.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Nichols Manalo, sinimulan na nila ang “La Niña watch” bagama’t abalá pa sila sa pagbabantay sa mga epekto ng El Niño.
Hanggang noong Mayo 2, lumobo na sa P5.9 bilyón ang halaga ng pinsala sa mga pananím dahil sa matinding tag-tuyót.
Sinabi pa ni Manalo na pinag-aaralan na ng DA ang mga naging epekto ng 16 na ulit na naranasan ang La Niña sa Pilipinas.
Dagdág pa ni Manalo na sinimulán na rin ng DA na makipag-ugnayan sa mga grupo ng magsasaka para sa drainage water management.
Bukód pa sa pinsala sa sektor ng agrikultura, ang mga pag-ulán ay nagreresulta rin sa mga pagbahá at pagguho ng lupa.