Advertisers
HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na testigo na may kaugnayan sa kaso ng pagpatay sa lady driver na si Jang Lucero, pagdukot sa nobya nito na si Meyah Amatorio at pagpatay sa pamangkin ng huli na si Adrian Ramos.
Ayon sa report, hindi pa nagbigay ng pahayag sa media ang mga saksi pero maingat itong iniharap ng NBI Laguna sa camera.
Ayon sa NBI, mahalaga ang magiging papel ng mga saksi upang malaman ang nangyari sa mga biktima. Lalo pa at kabi-kabila na ang naglalabasang balita sa social media kaugnay ng kasong ito.
“Ma-secure natin ‘yung mga witness, kasi nakita mo na may dinukot at may namatay na naman. ‘Yung mga Facebook post na lumalabas parang nililigaw nila ‘yung imbestigasyon sa pagbibigay ng mga iba-ibang suspects, ineeksamin na ng Cyber Crime division natin,” ayon kay Atty. Eric Distor, direktor ng NBI.
Ayon kay Distor, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos na tutukan ang kaso.
Iniutos aniya ni Pangulong Duterte na alamin nila ang ugat ng malagim na krimeng ito. “No less than the president ay nakatutok at nakasubaybay sa kasong ito. At ang sabi niya ‘alamin mo ang buong katotohanan’,” sabi ni Distor.
Nananawagan din ang mga awtoridad sa mga taong maaaring makatulong sa kaso na makipag-ugna-yan sa kanila.
Matatandaang naging kontrobersyal ang kaso ng pagkamatay ni Lucero, ang lady driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Laguna noong June 28.
Isang Ann Shiela Belar-mino, dating kasintahan ni Amatorio, ang dinakip ng mga pulis at itinurong suspek ngunit pinalaya ito Piskalya sa Laguna dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ang pamilya naman ni Lucero ay pinaimbestiga-han si Amatorio na pinaniniwalaang may kinalaman ang huli sa pagkamatay ng biktima.
Nauna nang itinanggi ni Amatorio ang mga akusa-syon laban sa kanya.
Pero nito lamang July 29, pumutok ang balitang dinukot si Amatorio at ang pamangkin nito na si Ramos sa kanilang tahanan ng limang ‘di pa nakikilalang armadong kalalakihan.
Makalipas ang ilang oras, natagpuan ang bangkay ni Ramos ilang metro lamang ang layo sa lugar kungsaan nakita ang bangkay ni Lucero noong June, habang patuloy pa ring nawawala si Amatorio.(Jocelyn Domenden)