Advertisers

Advertisers

PBBM naghahanda na para sa ‘25 elections

0 5,055

Advertisers

LIMANG buwan nalang filing na ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa midterm election 2025.

Oo! Kaya panay na ang pagpupulong ng mga partido politikal.

Ang mga partido sa mga probinsiya ay nagsisimula nang bumuo ng kani-kanilang lineup.



Si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ay nakikipag-usap narin sa iba’t ibang lokal na partido para maging kaalyado.

Pero hindi kasama sa mga kinakausap ang partido ni Vice President Sara Duterte-Carpio na Hugpong ng Pagbabago.

Noong 2022 elections, naging magkaalyado ang Partido Federal ng PBBM at Hugpong ni VP Sara. Pero pagkatapos ng eleksyon ay nabuwag ito. Nagkaroon narin ng lamat ang UniTeam dahil sa mga pag-atake ng mag-aamang Duterte (ex-President Digong, Mayor Baste at Cong. Polong) kay PBBM, na sinabihan pang “tamad” at “adik na presidente”.

Hayagan naring sinabi ni First Lady Liza Araneta-Marcos na “bad shot” na sa kanya si VP Sara. Dahil natawa pa raw ito nang ipagsigawan ni Digong sa anti-Charter change rally na adik si Bongbong.

Sabi ng mga political analyst, buwag na ang alyansang Marcos-Duterte. At malamang na magkabakbakan sa darating na halalan. Mismo!



***

Ang pakikipag-alyansa ng Marcos sa mga political party sa mga probinsiya ay hindi lang paghahanda para sa 2025 elections kundi preparasyon narin para sa 2028 Presidential Elections kungsaan inaasahang magbabanggaan ang Marcos at Duterte. Mismo!

***

KUNG hindi gumawa-gawa ng pekeng “rape” ang modelong si Deniece Cornejo at boypren niyang si Cedric Lee laban sa actor at tv-host na si Vhong Navarro, hindi sana nila sasapitin ang mahatulan ng “life imprisonment” sa kasong ‘serious illegal detention’.

Sina Cornejo, Lee at dalawa pa nilang kaibigan na kasabwat sa pambubugbog, pagkulong at pangingikil kay Navarro sa mismong condo unit ng modelo noong Enero 2024 ay hinatulan ng ‘guilty’ ng Taguig Regional Trial Court (RTC).

Bago ito, si Navarro ay nakulong din sa National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong “rape” pero sa pag-apela sa korte ng kampo ng aktor, nakapagpiyansa ito at tuluyang napawalang-sala.

Samantalang ang kasong isinampa ng aktor kina Cornejo, Lee at dalawa pa sa Taguig RTC ay napatunayang ‘guilty’ ang apat. Nakakulong na sila ngayon sa Bureau of Correctios (BuCor).

Ito ang sinasabi natin na walang magandang ibinubunga ang masamang gawa. Karma!

Anyway, maari pang umapela sa Court of Appeals sina Cornejo at Lee. Subaybayan!

***

Malamang na largahan nalang ni PBBM ang International Criminal Court (ICC) sa ginagawang imbestigasyon nito kina ex-President Digong at ex-PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” Dela Rosa dahil sa patuloy na pag-atake sa kanya ng dalawa.

Iniimbestigahan ni Bato sa Senado ang “leaked documents” na nagsasabing naging target ng operasyon sina PBBM at actress Maricel Soriano noong 2022.

Sinabi naman ng PDEA na peke ang naturang dokumento.