Advertisers

Advertisers

Utang ng gobyerno bumaba sa P14.93T noong Marso – BTr

0 2

Advertisers

INIULAT ng Bureau of Treasury (BTr) na bumaba ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa P14.93 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Marso.

Ito ay bumaba ng P252.98 billion mula sa P15 trillion na naitala noong Pebrero.

Mas mababa rin ang kabuuang utang ng PH noong marso ng 1.67% kumpara noong Pebrero dahil sa net redemption o pagbabayad ng domestic government securities.



Sa kabuuang utang, 68.86% ay panloob na utang habang 31.14% naman ang panlabas na utang.

Batay sa data, bagama’t lumalabas na bumaba ang panloob na utang lumobo naman ang panlabas na utang dahil sa karagdagang paghiram ng gobyerno mula sa foreign lenders at paghina ng halaga ng peso kontra sa dolyar.