Advertisers
MULING iminungkahi ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pag-iingat ng lahat sa mapang-linlang na panghihikayat ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Inilabas ang paalala kahit na naghihingalo na ang bilang ng mga pesteng ito, dahil marami pa rin namomonitor ang task force na pangloloko ng CPP-NPA-NDF.
Una dadaanin kayo sa panghihikayat na sumuporta sa mga gawain nila na pakikibaka sa sektor na sinasabi nilang kinakawawa ng pamahalaan, gaya ng mga manggagawa, estudyante, mahinirap atbp.
Kapag nakuha ang iyong simpatya, bibilugin nang bibilugin ang iyong ulo sa umanoy kasamaan ng pamahalaan. Hanggang sa maloko ka na na sumama naman sa kanilang ‘armadong pakikibaka’, tuturan kang humawak ng armas, paaakyatin sa bundok at isasamang makikipag-bakbakan sa militar, hanggang sa mapatay.
Marami na ang ganyang nabiktima, lalo na sa hanay ng mga kabataang nasa kolehiyo. Kaya giit ng NTF-ELCAC, mag-ingat tayo. Lahat ay pwedeng maengganyo ng mga pesteng ito.
Ito ang sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa isang virtual na press conference kamakailan lamang. Huwag tayong maniwals agad sa maling idelohiyang ipinapasok sa ating mga isipan ng mga komunistang-terorista.
Mararamdaman naman natin ito ayon kay Torres sa mga kilos ng mga tinatawag na Underground Mass Organizations (UGMOs).
Binigay ni Torres na ang mga UGMO na ginagamit ng CPP-NPA-NDF ay gaya ng Revolutionary Congress of Trade Union’s na may kinalaman din sa mga Kilusang Mayo Uno (KMU); MAKIBAKA (Makabayang Kilusan ng mga Bagong Kababaihan) hanggang sa GABRIELA.
Ganito magmaniobra ang mga komunistang-teroristang. Sa hanay ng mga estudyante, pinangungunahan ng League of Filipino Students (LFS), National Union of Students of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Kabataan, ang pangrerecruit sa kabataan.
Ang UGMO ayon kay Torres, lalo na ang Kabataang Makabayan (KM), ay ginagawa ang lahat para makuha ang ating simpatya, paniniwala at bandang huli ay ang ating pagsali na sa kanilang armadong pakikipaglaban sa pamahalaan.
Kaya ingat-ingatnlang tayo sa mga ganitong i-style.