Advertisers
Kasi nga dati siyang “hunter” ng mga kriminal na may warrant of arrest o order of arrest o mandamiento de aresto —na isang bagay na paborito niyang gawin nuong siya’y babago pa lamang sa PC/INP, heto at bumalik siya sa Criminal Investigation and Detection Group —hindi na bilang isang struggling junior officer na katatapos pa lang halos sa Philippine Military Academy ngunit naging ganap ng isang general officer (two star rank) at Director na ng CIDG.
Si Major General Leo M. Francisco ay isang old hat sa CIDG, isang unit sa Philippine National Police na nuong itinatag ito bilang public affairs office ng Philippine Constabulary, ay kinatatakutan ng mga kriminal at mga wanted person dahil sa bangis at husay nitong maghanap ng mga matatagal nang eskapo o kaaway ng batas na nakakalusot sa pulisya at maging sa ibang ahensya ng gobyerno na nasa law enforcement na siyang nagpapatupad ng mga batas penal.
Hindi baguhan si Major General Francisco sa CIDG, katunayan siya ay aral sa mga magigiting at matatalinong naging hepe o director dito tulad nina General Jesus Verzosa, Geneeral Raul Bacalzo at General Oscar Calderon na mapapalad na naging Chief Philippine National Police. Ilan lang silang galing sa CIDG na nuong kapanahunan nila ay murang tinyente pa lang si “Paco” ang katawagan kay General Francisco —at nangunguna sa mga OPLAN ng PNP sa paghahanap ng mga wanted person, pagbubuwag ng mga private armed group at armadong robbery hold up gangs at sindikatong iligal kasama na ang pagiimbestiga ng mga tulog na kasong murder, kidnap for ransom at illegal recruitment/o iligal na human trafficking.
Hindi na bago kay General Francisco ang pangunahing gawaing ito ng CIDG na may mahigit ng isandaang taon na nagbibigay dangal sa buong kapulisan sa bansa bilang prime investigation arm of the PNP. Ngayon at siya ay ninombrahan na bilang Director ng CIDG nuong naraang Mayo 2, 2024, inaasahan ng mga kasama niya nuong panahong operatiba siya na muling papailanlang na naman ang CIDG sa mga balitang ikasisiya, ikaaalwan at ikapapawi ng pangamba ng mga naging biktima ng krimen … “the hunter is back to the hunting field once again!”