Advertisers
PISAK ang 2-anyos batang lalaki nang magulungan ng bus sa Tondo, Maynila gabi ng Sabado.
Dead on the spot ang biktimang si Zhian Riackly Distor, habang hawak na ng Manila Police District- Traffic Enforcement Unit ang salarin na si Jimboy Anota, 42, taga-Canlubang, Calamba, Laguna.
Ayon sa ulat, nakasakay ang bata sa tricycle na minamaheo ng kaniyang ama nang biglang mag-U turn ang tricycle sa bahagi ng Yuseco Street, nahulog ang bata sa kalsada at nagulungan ng bus.
Hindi umano napansin ng bus driver na may bata sa kalsada.
Nakaditene ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)