Advertisers

Advertisers

PUGANTE SI QUIBOLOY

0 19

Advertisers

KAHIT anong sabihin ni Apollo Quiboloy, pugante siya sa batas. Hindi siya maginoo. Mas lalong hindi siya matapat na “alagad” ng Diyos. Takas siya sa hustisya at batas. Suwail siya sa salita at utos ng Diyos. Hindi siya dapat pagtiwalaan.

Nagpahayag si Quiboloy na hindi siya umano nagtatago sa batas, ngunit hindi siya mahuli ng mga pulis. Hindi siya nagtatago pero ayaw magpakita at ayaw sumuko. Ang pinakamalaking kagaguhan ay siya pa ang nagbibigay ng kundisyon upang magpakita at sumuko.

Inoobligada ng pugante na si Quiboloy na bigyan siya ng proteksyon ng gobyerno ni BBM laban sa anuman extradition na hingin ng Estados Unidos. Hindi puede na ganito dahil lalabas na hawak niya si BBM. Hindi si Gongdi si BBM na susundin ang nais niya.



Pinaghihinalaan niya ang Estados Unidos na papatayin siya kung mapunta siya sa custody ng Estados Unidos. Hindi namin nalilimutan si Mark Jimenez, ang dating kongresista na kinuha ng Washington sa bisa ng extradition dahil sa paglabag sa batas ng Estados Unidos sa campaign contribution.

Walang nangyari kay Jimenez at pinalaya siya. Nakauwi si Jimenez. Dito sa Filipinas binawian ng buhay si Jimenez. Walang batayan ang pinagsasabi ni Quiboloy.

Ang totoo ay ayaw ni Quiboloy na makulong at humimas siya ng rehas. Mabibisto siya sa mga tagasunod na hindi siya totoong “anak ng Diyos” at isang siyang bulaang propeta. Tama si Joel Cochico na isang netizen sa kanyang sinabi: “The gov’t should treat Quiboloy like an ordinary fugitive, hunt him down like a common criminal.”

May sinabing maganda si Theodore Teh, isang abogado: “A fugitive cannot set conditions for surrender.”
***
PAHAYAG ni Commodore Jay Tarriela, spokesman ng Philipine Coast Guard (PCG) sa usapin ng West Philipine Sea.

“The audacity of the People’s Republic of China is truly remarkable when it comes to disregarding the positions of other countries in the entire South China Sea. It is completely hypocritical for them to claim that they are abiding by the rule of law because it is clear that they have failed to demonstrate their commitment to adhering to UNCLOS and accepting the 2016 arbitral award. However, in reality, they only use their power to intimidate and manipulate other countries into succumbing to their unlawful behavior.



“As for the Philippines, we will not yield! We will continue to expose your illegal actions and provocative behavior. You cannot persuade us to remain silent, and we will not choose to align ourselves and pretend that the international law supports your greedy and unfounded claims. We will not be deterred!”
***
NAGPAHAYAG ang apat na bansa na kasalukuyang silang nagsasagawa ng naval exercises sa West Philippine Sea. Magkakasama sa joint naval exercises ang Estados Unidos, Australia, Japon at Filipinas. Nag-umpisa ito noong ika-7 ng Abril.

Hindi namin alam kung napansin ng Peking na habang nagmamatigas ito sa paninindigan sa pag-aangkin sa halos kabuuan ng South China Sea, mas lalong nagkakaisa ang mga bansa na malaya at demokratiko. Hindi pumupuntos ang Tsina, sa maikli. Mas desidido ang mga malayang bansa na kontrahin sila.

Sa update report, sinabi ng AFP: “The multilateral maritime cooperative activity in the West Philippine Sea between the Philippines, United States, Japan and Australia was successful.” Ano kaya ang sasabihin ng Peking? Tingnan natin ang tapang at tikas nila.

Sabi ni Tristan Nodalo na nagbigay ng konteskto ng sama-samang maritime exercises ng apat na bansa: “ The Philippines, United States, Japan and Australia say the first multilateral maritime cooperative activity shows the ‘collective commitment’ of the four countries to strengthen regional cooperation and maintain a free and open Indo-Pacific. “

Sabi nga ni Derek Grossman, isang netizen at kritiko: “China’s rising assertiveness in the South China Sea has led to Australia, Japan, Philippines, and US conducting naval drills there together. First time ever.” Hindi namin alam kung gaano ang takot ng Peking sa nangyayari na ito. Kabadong-kabado ang Tsina.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “I’m not a fan of Marcos Jr but i think it’s quite unfair na isisi sa kanya yung pagkagutom at paghihirap ng marami sa ating mga kababayan! Dati parati sisi lang si Pres Duterte!” – Isabel Merana, netizen

“Kaya ako kahit ayaw ko kay BBM, pwede nang pagtyagaan. Kesa naman kay Sara na nagsasalita ng Mandarin.” – Friden Flores Magno, netizen

“Quiboloy imagines himself as Leonardo DiCaprio when he says ‘Catch me if you can unless the government guarantees non-‘US interference’ in his cases. This is just the latest delusion of the self-proclaimed ‘Son of God’ that merits the strongest response from the BBM Administration. Lest it appears to have no balls in bringing Duterte’s allies to justice. The gov’t must send the strongest message to Quiboloy that no fugitive can impose conditions on the authorities by launching a large-scale manhunt.” – Leila de Lima, dating senadora

“It’s impossible that Duterte and the Davao Mafia do not know where Quiboloy is. Duterte is now custodian of the cult head’s dirty money!” – Bob Blues Magoo, netizen, kritiko

“The China Coast Guard continuously conducts illegal enforcement operations in the West Philippine Sea to advance their greedy intention and unlawful ambition to occupy the waters that fall within the Philippines’ Exclusive Economic Zone. China also hypocritically portrays itself as being concerned about the environment as the PCG and BFAR lawfully dropped ‘payaos’ in Rozul Reef in support of our Filipino fishermen.” – Com. Jay Tarriela

“You are a fugitive, plain and simple. You cannot dictate conditions in the same way other fugitives cannot do the same. You are not special.” – Jojo Clemente, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@yahoo.com