Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
DAHIL ang mommy ni Luis Manzano na si Vilma Santos ay isang politician at ang step dad niyang si Ralph Recto ay isa ring politician, kaya maraming naghihikayat kay Luis na pasukin na rin ang mundo ng pulitika,at sundan ang mga yapak ng kanyang ina at pangalawang ama.
Sa guesting ng misis ni Luis na si Jessy Mendiola Manzano sa Fast Talk With Boy Abunda, tinanong siya ni Kuya Boy kung tuloy na ang pagpasok ni Luis sa politics.
Sagot ni Jessy,” I cannot answer that yet. Recently kasi si Luis, he has been doing events in Lipa, kasi si Tito Ralph (Recto) is very busy so si Luis ‘yung pumupunta for him.
“And marami ang nagtatanong sa akin kung tatakbo ba siya, is he going to get into politics. And as of now I cannot answer yet,” aniya pa.
Inamin ni Jessy na tutol siya noon sa pagsabak ni Luis sa pulitika, “Siguro kung before ito, noong mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, actually sinabi ko talaga sa kanya ‘Kapag ikaw tumakbo, hihiwalayan talaga kita.’
“I know naman its for our country, it’s for the Filipinos. But for me kasi, I kind of grew up in showbiz, and showbiz is a different world.
“And politics also is another different world. So for me, hindi ko alam kung kaya kong i-handle ‘yun,”
Pero nang makita raw ni Jessy kung gaano ka-dedicated at kasipag magtrabaho ang kanyang biyenan na si ate Vi na dating House Deputy Speaker at Batangas 6th District Representative, at mister nitong si Ralph bilang Secretaty ng Department of Finance ay nagbago ang kanyang pananaw.
“But at this point, now that I’m married to him, and also I’ve been with sina Momskie (Ate Vi), sina Tito Ralph, and mas lalo na noong pandemic, I’ve seen kung paano ‘yung public service nila. And isa lang ang masasabi ko talaga. Grabe talaga ‘yung public servants natin.
“Of course I could only speak for my in-laws. Para sa akin si Luis. family niya ‘yun eh, and that’s part of him. I cannot deny him that, if ever man he’s gonna run, sino ba naman ako para ipagkait sa kanya ‘yung ganu’ng parte ng buhay niya.
“So sinabi ko talaga sa kanya, just in case he decided to run, ‘I will be here for you.’ In-assure ko siya.”