Advertisers

Advertisers

Heart todo-deny na na-stroke ang mister na si Chiz 

0 21

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING nag-alala sa pag iyak ni Heart Evangelista sa kanyang live kamakailan hinggil sa pagsugod sa mister na si Chiz Escudero sa ospital.

Sa pakikipag usap sa malapit sa mag- asawa, pinabulaanan mismo ni Heart na na-stroke ang mister kaya itinakbo ito sa ospital.



Sey pa ng very close sa mag asawa na okey na raw si Chiz.

Ayon pa kay Heart na regular na ginagawa ni Chiz ang general check up.

Tumagal lang daw ito sa Colonoscopy dahil siniguro lang na okey ang colon ng Senador.

May history kasi ng cancer sina Chiz na kung saan ang ama nito ay sa colon cancer namatay.

Kaya siniguro lang at kahit nga si Heart ay nagpa-general check up na rin at pinagpapahinga si Heart ng doktor dahil low blood daw ito.



Nung mag live ulit si Heart nung April 5 ay nakita naman okey na ito.

***

Zanjoe at Ria, bitbit ang pamilya nang nag-honeymoon sa Balesin

MARAMING natuwa na netizens sa Honeymoon getaway nina Zanjoe Marudo at misis na si Ria Atayde.

Sa late post sa socmed ay ipinakita  ang larawan ng buong pamilya na  nagsama-sama last Holy Week.

Dahil sa busy late post ang nangyari sabi nga ni Gela Atayde na ito ang kauna-unahang pag-join ni Zanjoe sa pamilya Atayde na nag-out of town na kasal na sila ni Ria.

Makikita sa larawan sina Zanjoe at Ria, mag-asawang actor politician Arjo at misis na si Maine Mendoza, mag-asawang Sylvia Sanchez at Art at ang mga kapatid nina Arjo at Ria na sina Gela at Xavi.

Maraming napa-comment at napa good vibes sa larawang magkakasama ang pamilya.

Honeymoon na nga raw ito nina Zanjoe at Ria na bitbit ang buong Atayde Family.

Knowing naman ang family na one for all, all for one, ang lakas maka-Eat Bulaga lang ang peg.

Well, well, well…’Yun na!