150 Vietnamese nationals hindi pinapasok sa bansa sa buwan ng Marso – BI
Advertisers
INIULAT ng Bureau of Immigration’s (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) sa pamumuno ni Dong Castillo lll na mayroong mahigit na 150 Vietnamese nationals ang Hindi pinapasok ng bansa sa buwan ng Marso.
Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, ibinahagi ng I-PROBES na ang pagtaas ng bilang ng entry denials ay nagmula sa pagkakatuklas ng mga Vietnamese nationals na nagtatrabaho sa illegal online gaming hubs.
Kabilang din sa hindi pinapasok noong Marso ay ang 30 Chinese at 14 Indonesians.
May total ng 220 dayuhan mula sa iba’t-ibang ang hindi pinapasok sa nasabing buwan matapos na lumabag sa Philippine immigration act of 1940.
Binigyang diin ni Tansingco na ang aksyon ng BI ay hindi patungkol sa specific nationalities, kundi base sa metikulosong pagsisiyasat ng travel patterns and activities ng mga dayuhang biyahero.
“We leverage available data on past arrests and interceptions to identify individuals exhibiting similar travel behaviors,” paliwanag ni Tansingco.
Bilang resulta ng pagtanggi ng BI sa pagpasok ng mga nasabing dayuhan, Ang mga ito ay ibibilang na BI’s blacklist, at bawal ng pumasok sa bansa kahit kailan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)