Advertisers
HINULI ng traffic enforcers ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang armored vehicle, na pag-aari ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, na ilegal na gumamit ng EDSA Busway nitong Lunes.
Ayon sa enforcers, nakita pa nila si Singson sa loob ng sasakyan.
Sinabi ng dating gobernador sa mga traffic enforcer na ginamit lamang ng kanyang sasakyan ang bus lane para mag-overtake dahil sa emergency.
“Tiketan mo nalang ako. Emergency lang kasi,” pag-amin ni Singson.
“Hindi ako dumaan. Nag-overtake lang,” dagdag niya.
Batay sa mga alituntuning inilabas ng Department of Transportation (DOTr), ang mga sumusunod lamang ang pinapayagang gumamit ng busway: public utility buses (PUBs), kabilang ang mga may special permit; on-duty na mga ambulansya, mga trak ng bumbero, at mga sasakyan ng pulisya; at mga sasakyang pangserbisyo na gumaganap ng mga tungkulin para sa busway.(Boy Celario)