Advertisers
ARESTADO sa buy bust operation ang isang negosyante na nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa lalawigan ng Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director, Brigadier General Jose Hidalgo Jr., kinilala ang nadakip na si Wilson Clavito alyas “Choco”, 51 anyos, ng Barangay Poblacion 1, San Jose Del Monte City, Bulacan
Sa ulat, 5:55 ng hapon nang ikasa ang buybust operation sa bahagi ng Purok 7, Brgy. Pio Cruzcosa, Calumpit.
Nakuha kay Clavito ang 270 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,836.000 00.
Nakakulong ngayon si Clavito sa Calumpit Municipal Jail. (Thony D. Arcenal)