Advertisers

Advertisers

Xian syota pa si Kim pero kinakasama na ang produ na si Iris Lee?!; Marian natuwa sa pagtatapos ni Dingdong sa Navy

0 14

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA hectic at busy iskedyul ni Marian Rivera, may isang bagay na dapat nitong atenan na isang espesyal na araw para sa kanyang hubby na si Dingdong Dantes.

Nagtapos kasi si Dong ng Naval Basic Course na ginanap sa Philippine Navy.



Natuwa at ipinagkapuri ni Dingdong ang pagsulpot ng misis sa kanyang graduation.

Natuwa ang aktor dahil halos lahat ng ganap nito sa buhay ay di puwede na wala si Marian para saksihan at suportahan siya.

Happy naman si Marian sa graduation ni Dingdong dahil may isinabit itong medalya at badge sa asawa.

Kaya knows na raw na kapag nagsawa na ito sa showbiz ay may isa pa itong karera na pupuntahan.

Sa socmed naman ni Dingdong ay inialay niyo ang kanyang pagtatapos sa naval sa kanyang pamilya.



***

MISMONG ang self proclaimed na Pambansang Lalaking Maritess na si Xian Gaza ay isiniwalat ang dahilan at rason ng hiwalayang Xian Lim at Kim Chiu.

Malabo na nga raw sa second chance sina Kim at Xian.

Ikinaloka ng netizens ang rebelasyon ni Xian para sa kanyang tukayo.

Kaya raw pala kahit gustuhin mang bigyan ng isa pang pagkakataon ni Kim ang ex-bf noon ay imposible.

Sey ng  Pambansang Maritess na magdyowa pa lang daw sina Kim at Xian ay nagli-live in na nga raw ang aktor at ang producer na si Iris Lee.

Trulili naman kaya ang pasabog na nasagap ni Xian?

Well, well, well… ‘Yun na!