Advertisers
MAKATUTULONG umano ang hindi pagsusuot ng underwear ng kababaihan laban sa fungal infection ngayong mainit ang panahon.
Ito ang sinabi ni dating Health Secretary at incumbent Iloilo Rep. Janette Garin sa isang press conference nitong Lunes kung saan napag-usapan ang pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magpapatuloy ang mainit na panahon.
“Pag tag-init ang mga babae ay prone din sa fungal infection, hindi yan sexually transmitted disease, yan ay dala ng yung normal flora sa intimate area, sa pubic area, sa perennial area ng babae, kapag medyo basa, napapawisan at mainit yung panahon yan ay perfect petridish para dumami yung fungi yung candida albicans na nasa balat ay dadami siya kaya siya nagiging makati. So the more you scratch the more it will itch,” sabi ni Garin.
Itinama rin ni Garin ang maling paniwala na ang fungal infection ay isang sexually transmitted disease.
“May gamot naman yan but you have to keep that area dry kaya nga minsan lalo na sa tag-init, wala lang malisya ‘no, pero kung nasa bahay ka lang naman or matutulog it’s quite advisable na walang underwear pero naka-pajama ka naman or naka-shorts,” sabi ng lady solon.
“Yung ventilation na yan ay epektibo para mapigilan or hindi na lumala yung fungal infection,” dagdag pa ni Garin.
Pinayuhan ni Garin ang publiko na magbaon ng tubig at manatiling hydrated.