Advertisers
May mga nagsipagtapos sa pag-aaral sa COLLEGE subalit nananatili pa rin sa kalbaryong dinaranas dahil mahigit isang taon na ay hindi makuha ng mga ito ang kani-kanilang mga TRANSCRIPT OF RECORD (TOR) dahil walang SPECIAL ORDER (SO) mula sa COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED).
Ang ganitong pagpo-problema ng COLLEGE GRADUATES ay hindi pa ACCREDITED ng CHED ang school.., dahil maaaring non-compliant o hindi pa kumpleto ang mga requirement na dapat isumite ng school para magturo ng kaukulang COLLEGE COURSES.
Dapat mapagtuunan ito at magsagawa ng pagsisiyasat ang ating mga LAW MAKER upang madiskubre kung sino ang may mga pagkukulang na nagreresulta sa pagdurusa ng mga GRADUATE.., na dapat sa pagka,-graduate ng mga estudyante ay agaran nilang magamit ang kanilang SCHOOL RECORDS para sa PAG-AAPLAY sa kanilang papasukang trabaho o kaya ay makakuha ng MASTERAL DEGREE o nakapag-apply ng ENTRANCE EXAM halimbawa sa pagiging POLICE OFFICERS habang wala pang edad 30 ang mga ito na age requirements sa pagpasok sa POLICE FORCE.
Ang ilan sa COLLEGE GRADUATES ay mahigit 2-taon nang graduate.., subalit hindi pa rin makakuha nang kanilang TOR dahil ang eskuwelahang pinagtapusan nila ay hindi pa ACCREDITED ng CHED.
Ganito kasi mga ka-ARYA.., ang COLLEGE SCHOOLS ay mag-aapply muna ng permit para makapagturo ng kaukulang COURSES.., siyempre pa, may mga requirement na dapat isumite ang SCHOOL na habang ipinoproseso ang kanilang application ay maaari na silang tumanggap ng enrollees para sa first year ng anumang kurso.., bago mag-3rd year ang mga estudyante ay kailangan mag-renew ng application para sa kanilang magiging 3rd year at 4th year students.
Sa puntong ito.., ang CHED OFFICIALS ang dapat magsagawa ng kaukulang pagsusuri kung ang SCHOOL ay QUALIFIED o HINDE para sa pagtuturo ng COLLEGE COURSE.., na kung hindi pumasa sa requirement ang school ay dapat na naglalabas ang CHED ng kautusan sa pagpapatigil sa school upang huwag nang ituloy pa ang pagtuturo ng 3rd year sa kanilang mga estudyante.
Sa ganitong sitwasyon, ang CHED ay aasiste sa school upang ang mga estudyante ay mailipat sa ibang ACCREDITED SCHOOLS.., sa gayon ay hindi maaksaya ang panahon ng mga estudyante tulad sa nararansan ngayon ng maraming estudyante mula sa iba’t ibang schools dahil ang kanilang pinagtapusang paaralan ay hindi FULLY ACCREDITED.
Gayunman..,nagsipagtapos na ang mga estudyante sa kursong kanilang pinag-aralan e hindi naman sila makakuha ng kanilang mga school record.., kanino o sino ngayon ang may lapses o pagkukulang o sa isa pang termino ay sino ang may kapabayaan sa ganiyang sitwasyon?
Sa punto ng ARYA ay ang CHED OFFICIALS na ang may kasalanan dahil hinayaan nilang magpatuloy sa pagtuturo ang school na sinasabi ng CHED OFFICIALS na NON-COMPLIANT daw sa mga requirement na dapat isumite ang school.., na kung NON-COMPLIANT ang school ay dapat bago mag-3rd year ang mga estudyante ay nagpalabas na ng kautusang pagpapatigil sa school nang pagtuturo sa kaukulang kurso.
PAGING CHED CHAIRMAN PROSPERO “POPOY” DE VERA III.., pakibusisi po ang inyong REGIONAL DIRECTORS (RD’s) at baka binubulag na po kayo sa mga report nila gayong maraming mga COLLEGE GRADUATE ang nagdurusa dahil hindi pa rin nila mapakinabangan ang kursong kanilang tinapos.., na dapat bago mag-3rd year ang mga estudyante ay naglabas na dapat ng. FINAL ORDER ang CHED RD’s sa mga nasasakupan nilang mga COLLEGE INSTITUTION.., e kaso hinayaan lamang ang school.. so sino ang may sala o ano ang behind sa pagitan ng RD at SCHOOL na sinasabing NON-COMPLIANT e hinayaan lang?
Ang punto ng ARYA .., huwag pong pagdusahin ang mga COLLEGE GRADUATE sa halip ay lunasan agad ang problema ng mga nagsipagtapos dahil ang may kasalanan na niyan ay ang mga CHED RD!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.