Advertisers

Advertisers

Pulis kulong sa pamamaril sa rider

0 15

Advertisers

Arestado ang isang pulis na aktibong miyembro ng mobile unit ng Philippine National Police-Aviation Security Group sa umano’y pamamaril sa isang motorcycle rider sa Barangay San Dionisio, Parañaque.

Ayon sa ulat, binaril ang 27-anyos na biktima na si Neil Wong 6:40 ng umaga na ikinasawi nito.

Nakita pa ng saksi na nakikipag-usap ang biktima sa salarin bago ang pag-atake.



“Nakita ko nang bumagsak na po yung biktima. Tapos sinisigawan ko na ‘yung suspect, sabi ko ‘Huy!’” ayon sa saksi.

Sinabi ng Parañaque Police na sinubukang nakawin ng suspek ang motorsiklo ng biktima ngunit kalaunan ay tumakbo nang bigong mapaandar ito. Dito na siya inaresto ng dumaang police patrol.

Nakuha mula sa suspek ang kanyang service firearm, mga bala, at dalawang cellphone ng biktima.

“Ang motibo na nakikita namin dito yung robbery,” ayon kay Parañaque Police Investigation Chief Police Captain Melvin Garcia.

Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon.



“Bigla niya kong binato out of nowhere. Kala ko di niya sinasadya. Tapos maya-maya bigla niya ko minura. Kaya ko yun nagawa sa kanya, yung binaril ko siya. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng kaanak, sa mga magulang at saka sa mga mahal niya sa buhay,” sinabi ng suspek.

Nahaharap sa reklamong robbery at homicide ang suspek na parak.

Tinitignan ng mga awtoridad ang posibleng kaugnayan ng suspek sa iba pang insidente ng nakawan ng motorsiklo.

Inaalam na rin ng mga imbestigador kung may mga kasabwat pa ang suspek.