Advertisers

Advertisers

PASAHERO NA ‘NAGBAON’ NG SHABU, NAHARANG SA NAIA

0 48

Advertisers

HINDI nakalusot sa alertong tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) ang isang pasahero nang tangkain nitong ipuslit ang isang selyadong transparent plastic sachet a naglalaman ng ‘shabu’habang sumasailalim sa routine security screening procedures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2, sa Pasay City.

Ang Security Screening Officers (SSO) Worthy Ian Capoquian at Rowena Martirez ay nag-turn over sa mga alagad ng batas na pinaghihinalaang ilegal na droga na hindi sinasadyang naharang mula sa isang pasahero ,bandang alas-8 pasado ng gabi noong Martes, Marso 19, 2024.

Ang pasahero ay nakilalang si Alvin Jubert Rojo, nasa hustong-gulang, tubong Victoria City, Negros Occidental. Siya ay patungo sa Bacolod sa pamamagitan ng Philippine Airlines Flight No. 2121.



Nabatid sa ulat ng OTS na dumaan ang pasahero sa Advanced Imaging Technology machine na pinamamahalaan ng SSO Capoquian, nang may nakitang item sa loob ng kanyang bulsa.

Pagkatapos ay inutusan niya ang pasahero na i-divest ang parehong pitaka sa inspeksyon ng seguridad at nang makita sa x-ray machine ang kakaibang hugis sa loob ng isang pitaka ay nagsagawa si Martirez ng manual inspection.

Pagkatapos ay natuklasan niya ang mga piraso ng lighter na mga bagay na ipinagbabawal ng OTS na dalhin sa eroplano. Hindi sinasadya, napansin niya na ang parehong itim na wallet ay naglalaman ng pinaghihinalaang mga drug paraphernalia, at isang selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance.

Ito ang nagtulak sa OTS na humingi ng tulong sa mga law enforcement agencies na binubuo ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Sa isinagawang field test ng Philippine Drug Enforcement Agency, nakumpirmang positibo ang nasabing substance sa Methamphetamine, isang mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)