Advertisers
Nasawi ang 24-anyos na babae sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa A. Bonifacio St. Brgy. Tugatog, Malabon City nitong Miyerkoles.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa unang alarma ang sunog ng 7:06 ng umaga at umabot pa ito sa 2nd alarm ng 7:16 ng umaga.
Idineklara naman itong under control ng 7:57 ng umaga.
Hindi pa matukoy ng mga bumbero ang tinatayang pinsala sa ari-arian at ang dahilan ng sunog.(Beth Samson)