Advertisers

Advertisers

9 bayan sa Cagayan wala parin supply ng kuryente

0 228

Advertisers

CAGAYAN – Siyam na bayan pa na sakop ng Cagayan Electric Cooperative 1 (CAGELCO 1) ang wala pang supply ng kuryente sa kasalukuyan, sanhi ng malawakang pagbaha dito sa probinsya.
Ang siyam na bayan ay kinabibilangan ng Alcala, Rizal, Tuao, Piat, Amulung, Baggao, Sto.Niño, Enrile at Solana.
Samantala, sa Tuguegarao City, 14 barangays ang apektado na binubuo ng 47, 417 households, habang sa Peñablanca ay 3 barangays nalang ang walang kuryente, at 2 barangays palabg sa Iguig ang nagkailaw.
Ayon kay kay Jeff Guzman, Information Officer ng CAGELCO 1, mahigit 47, 000 households mula sa 386 barangays ang nakaranas ng walang supply ng kuryente nitong kasagsagan ng mga pagbaha mula nung Biyernes.
Pero mahigit 21,000 narin ang naibalik ang kanilang supply ng kuryente ngayon.
Nasira ang Tuguegarao 69 KV line sa Linao East dahil sa matinding pagbaha.
Sinabi ni Guzman na hindi nila matiyak kung kailan maibabalik ang supply sa mga wala pang kuryente dahil hihihintay pa nila ang ‘go signal’ ng National Grid Corporation of the Philippines (NGC).
Kaugnay nito, pinayuhan ang mga member-consumers na nalubog ang mga bahay sa baha na huwag basta-basta i-on ang kanilang breakers upang matiyak na walang anomang mangyayaring disgrasya dulot ng kuryente.
Payo nito sa mga member- consumer na tiyakin na natuyo ng husto ang kanilang outlets o maaari ring ipatingin muna ang mga ito sa licensed electricians.
Ipinagbigay alam din ng nasabing kooperatiba, kung may mga nasirang metro o drop wire ay ipagbigay-alam sa pinakamalapit na tanggapan ng CAGELCO 1. (Rey Velasco)