Advertisers
Nagpasalamat si Philippine National Police Chief Police General Debold Sinas kay Pangu-long Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos muli nitong dinipensa ang kani-yang kinasangkutang kon-trobersiya.
Sa kanyang talumpati sa unang flag raising ceremony sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni Sinas na magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman.
Paliwanag ni Sinas, na natutuwa siya sa tiwala ng Pangulo pero nahihiya rin ito.
Matatandaan na sa televised speech ni Duterte, na inako nito ang “full responsibility” sa pagtatalaga kay Sinas dahil siya ang nag-promote dito sa nasabing posisyon.
Ipinagtanggol niya rin si Sinas at sinabing hindi kasalanan ng bagong Chief PNP kung ang kanyang mga tauhan, nagdiwang ng kanyang kaarawan sa pamamagitan ng mañanita.
Dahil dito pinatawad na umano niya si Sinas dahil wala namang alam dito ang opisyal nang pumunta ang mga tauhan at walang mali sa ginawang selebrasyon dahil sorpresa ito.
(Gaynor Bonilla)