Advertisers
NASABAT ng Philippine Navy ang mga smuggle na sigarilyo na nagkakahalaga ng P64 million sa Sumunil Tawi-Tawi nitong Sabado.
Ayon kay RADM Donn Anthony Miraflor, Commander ng Naval Force Western Mindanao, nasabat ng BRP Jose Loor Sr (PC390) ang M/L Yasmen sa karagatang sakop ng Manuk Mangkaw Island, Simunul, Tawi Tawi.
Nagpapatrulya ang BRP Jose Loor Sr nang mapansin ang kahina-hinalang paglalayag ng isang bangka de motor.
Nang lapitan ng mga barko ng Navy ang M/L Yasmen upang magsagawa ng inspeksyon, tumambad ang iba’t-ibang produkto ng sigarilyo.
At nang hanapan ng mga papeles ang kapitan ng barko wala itong maipakita, dahilan upang arestuhin ang kapitan at mga crew nito.
I-turn over ang mga M/L Yasmen at mga nasamsam na kontrabando sa Bureau of Customs Sub-Port Bongao Station para “proper disposition” at imbestigasyon. (Mark Obleada)