Advertisers

Advertisers

3-anyos, pisak sa kotse

0 8

Advertisers

NASAWI ang 3-anyos na batang babae nang masagasaan ng isang Toyota Vios na kotse nang hindi nito napansin na naglalaro sa unahan ng sasakyan ang bata sa Harbour Homes, Barangay Halang, Naic, Cavite.

Kinilala ang biktima sa alyas “Len len”, ng Harbour Homes, Brgy. Halang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente.



Kita sa CCTV footage, nasa unahan ng kotseng Toyota Vios (NHI 9870) na minamaneho ni alyas John ang bata at tila naglalaro. Hindi nito napansin ng driver at nagulungan nito ang biktima.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng kotse. (Irine Gascon)