Advertisers

Advertisers

2 motorsiklo nagsalpukan: 1 todas, 2 grabe

0 5

Advertisers

NASAWI ang isang 3-anyos na batang babae at sugatan ang mga magulang nito nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa crossing ng Barangay Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan nitong Linggo ng madaling araw, Marso 10. 2024.

Sa report na tinanggap ni PLt. Colonel Voltaire Rivera, kinilala ang nasawi na si Margaux Alyson Verana; at sugatan ang mga magulang nito na sina Ronrick at Lalaine Verana.

Ayon sa ulat, aksidenteng nabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Ephraim Mungcal ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima 12:17 ng madaling araw.



Samantala, agad isinugod sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital ang bata subali’t binawian din ng buhay, habang nilalapatan ng lunas ang mga magulang ng paslit.

Nakakulong na si Mungcal sa Sta. Maria Municipal Jail habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to properties. (Thony Arcenal)