Advertisers
UMUSAD ang Filipino fencer na si Samantha Catantan ng Penn State University sa championship stage ng US NCAA Fencing meet sa susunod na Linggo na nagtapos sa Top 7 at second overall sa Mid-Atlantic/South Reegionals Sabado, Marso 9, (Lunes ng umaga sa Manila) sa Drew University sa New Jersey.
Nagtala si Catantan ng win-loss rekord na 7-4 sa third round na nagtapos sa likuran ni Charlotte Koenig ng Duke University (8-3) at sa unahan ni University of Pennsylvania’s Katina Ortiz Proestakis at Sabrina Cho, na parehong may 7-4 cards pero si Catantan ang may pinakaimpresibong index.
Ang fourth year accounting student-athlete ng PSU at unang ‘homegrown’ fencer mula sa Pilipinas ang nagkaroon ng full athletic scholarship sa US NCAA Division 1 school, Catantan ay sasabak sa kanyang fourth straight trip sa pinakamalaking paligsahan sa Marso 21 hanggang 24 sa French Field House sa Columbus, Ohio.
“Literally… if God brings you to it, he will bring you through it,” Wika ni Catantan sa palitan ng mensahi sa The Manila Times.
“I’m just so blessed and grateful to have the best support system. Especially to everyone, who helped me get through this tough year – but for now, all I could say… I’m very happy to be back,” Dagdag ng 22-year-old Catantan, na miyembro ng Philippine Fencing Team.
Catantan, ay champion fencer sa panahon ng kanyang high school days sa University of the East na naglaro sa UAAP sa ilalim ni dating national team coach Rolando “Amat” Canlas, una siyang nakakuha ng spot sa regionals na may solid performance sa dalawang dual meets, nagtala ng 9-2 sa Northwestern Duals sa Evanston, Illinois nakaraang Enero at 9-4 sa Temple Universsity.