Mayor Honey pinuri ang mga opisyal at kawani ng City Hall sa pagmamalasakit sa kapaligiran

Advertisers
BINIGYANG komendasyon ni Mayor Honey Lacuna ang mga kawani ng City Hall na nagsama-sama sa pagdiriwang ng International Women’s Day at National Women’s Month sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang malasakit sa kapaligiran.
Ayon kay Lacuna, nitong nakalipas na weekend, daan-daang city government officials at mga empleyado ay nagsagawa ng sabayang cleanup drive at tree planting event sa iba’t-ibang parte ng lungsod na sinamahan ng mga volunteer organizations.
Kabilang sa mga piling lokasyon ay ang Arroceros Forest Park, Rajah Sulayman Park at Manila Science High School.
Ang isang buong araw na gawain ay pinangunahan ng mayor’s office, office of Vice Mayor Yul Servo, Manila Department of Social Welfare sa pamumuno ni Re Fugoso at ng Parks Development Office sa ilalim ni Giovanni Evangelista.
Kabilang din sa mga lumahok ay ang iba pang department heads, city government employees at maging volunteers mula sa iba’t-ibang colleges at organizations sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Fugoso na may kabuuang 44 na puno ng lipote at bignay at itinanim sa Arroceros Forest Park sa nasabing event.
Samantala ay muling inulit ng alkalde ang kanyang imbitasyon sa publiko na bisitahin ang Arroceros Forest Park, na kilala din bilang ‘last lung’ ng lungsod.
Hinimok nya rin ang mga Manileño na gawing bahagi na ng kanilang araw-araw na buhay ang cleanup activities at sinabing: “Laging tatandaan na ang ating kapaligiran ay nagpapakita rin ng kalagayan ng ating mga sarili, kung kaya’t lagi natin itong pahahalagahan.
Ang nasabing park, ayon sa alkalde ay ang lugar kung saan ang mga centuries-old trees ay matatagpuan. Ito ay nagsisilbing proteksyon ng lungsod kontra air pollution at ito rin ang source ng sariwang hangin. Ito rin ang leading nature park. (ANDI GARCIA)