Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TWO and a half years na sina Rhian Ramos at Sam Verzosa at habang lumalaon ay tumitibay ang kanilang relasyon bilang magdyowa.
Aware ang Kapuso actress na sa ngayon ay dumadami ang hiwalayan sa showbiz among couples.
Katunayan, minsan daw ay nawiwindang siya at panalangin niya ay hindi sila matulad ni Sam sa mga magdyowa o mag-asawang natapos ang relasyon sa hiwalayan.
“I don’t know kung ba’t nagkasabay-sabay pero wala naman akong worry. I dunno, basta huwag lang ako. I just feel like times are changing and people are changing,” bulalas niya.
Sa ngayon daw, bagama’t sumasagi sa isipan nila ang mag-settle down na, wala pa rin daw talaga ito sa plano nila.
“We’re both super duper busy at sadya lang nakapokus kami sa ginagawa namin,” sey niya.
Nilinaw rin niya na wala raw namang problema kung magpapakasal sila ni Sam kahit pa may anak ito sa dating karelasyon.
“Wala namang problem except that we’re busy. Both of us still wanna achieve a lot,” paliwanag niya. “I wouldn’t be dating with him kung wala kaming chance to end up there,” pahabol niya.
Si Rhian ay bida sa pelikulang Miss Probinsyana na idinirehe ni Jenny Pearl Bautista-Ninalga mula sa produksyon ng Impact Media Convergence, Inc.
Ani Rhian, proud daw siya na makagawa ng pelikulang nagbibigay ng importansya sa papel ng kababaihan sa isang lipunan.
“I feel this movie to be very important and timely. Yes, because it’s Women’s Month but because it’s also 2024. We’re already in an age where women are discovering how much they can achieve. I think, it’s important to have stories of inspiring women like Ms. Marjs (Aviso) because whenever a woman achieves something, I feel like I achieve it too. It’s just not for one person’s benefit, it’s for all of us. That’s why it’s important and I’m happy this is showing now,” lahad niya.
Feeling niya, most empowered din daw siya kapag nagiging inspirasyon o napapansin siya sa roles na ginagampanan niya bilang alagad ng sining
“When I’m acting it takes me to another place. I know when I’m in the zone and I know if I’m not. And when you get those magic moments it really feels amazing and that’s basically what I’m doing my whole life. When I get good feedbacks also from people in what do, I feel most empowered too,” deklara niya.
Ang Miss Probinsyana na nagkaroon ng special screening sa Metropolitan Theater kamakailan bilang bahagi ng selebrasyon ng International Women’s Month ay base sa tunay na kuwento ni Marjorie Adviso, isang probinsyanang nangarap na magtayo ng BPO (business process outsourcing company) sa kanilang lalawigan.
Sa pelikula, ipinakikita ang mga hamon na hinarap niya lalo na sa panahon ng pandemya.
Tinatalakay din dito ang tungkol sa mental health issues na naranasan ng mga Pinoy noong pandemic.
Tampok din sa cast ang award-winning actor na si Sid Lucero na gumaganap bilang supportive partner ni Rhian.
Kasama rin sa supporting cast sina Lance Raymundo, James Marco, Joshua Zamora, Camille Rose, Jyra de Guzman, Kristine Abbey, Kristal Luistro, Aya Sarmiento, Rowie Cardona at marami pang iba.