Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ISA si Claudine Barretto sa mga na-shock nang mabalitaang namatay na si Jaclyn Jose dahil sa heart attack nitong nagdaang Sabado, March 2, sa edad na 60. Naging close kasi ang una sa huli nu’ng nagkasama silang dalawa noon sa seryeng Mula Sa Puso, na gumanap sila bilang mag-ina.
Idinaan ni Claudine sa kanyang Instagram account ang kanyang pagkabigla sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn.
“Nanay Jane u left us. you left me. I’m in unbearable pain. Everything is painful. U lived 11 houses down from my house. I will miss u coming up to my room, tulog ako tatabihan mo ako,” simulang pagbabahagi ni Claudine.
“Pag nagising ako sasabihin mo ‘Anak na-miss ka lang ni nanay. Andito lang ako, tulog ka pa d ako aalis ng di kita napapatulog.’
“Pag may pinagdadaanan ako, tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo. Didiretso ako sa room mo at tatabihan kita. Sabay sabi, ‘Nay pwede dito muna ako.’
“Yayakapin mo ako ng mahigpit. Kakantahan at patatahanin. Kinabukasan. may mainit na sabaw, i-aakyat ni Yaya Ging sa akin,” pagbabalik-tanaw pa ni Claudine.
Inamin din ni Claudine, may galit siyang nararamdaman dahil tatlong buwan daw niyang hindi nadalaw si Jaclyn, “Galit ako kasi 3-months na kita d dinadalaw.
“Ayoko mag-isa ka. Nay, tulungan mo ako pls. I luv u sobra Nay. Ang ilap ng tadhana para sa atin dalawa. Ang sakit-sakit Nay. Miss na miss kita. I’m sorry d kita naramdaman gaya ng dati.
“Ikaw bilang nanay ko, alam mo may mali, andito ka kaagad. Mahal na mahal kita Nay,” emosyonal pang pahayag ni Claudine.
***
SA panayam ni Morly Alino sa beteranong aktor na si Rez Cortez sa kanyang YouTube channel, ay natanong nito kung bakit nawala kaagad ang karakter niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano bilang si Abdul na isang Muslim.
Paliwanag ni Rez,”Sa Ang Probinsyano, 7 months ako, tapos nagsisimula palang ang Batang Quiapo kasama na ako pero nakaka-three taping days pa lang ako bigla akong na-bash.
“Kasi nga ayaw ng mga Kapatid nating Muslim ‘yung role ko ro’n na Abdul dahil ‘yung ginagawa ni Abdul do’n sa show.
“Nakabawi naman kami at kinunan namin ‘yung eksena na kung bakit ganu’n si Abdul dahil nga may utang na loob siya kay Tanggol (Coco Martin) dahil muntik na ma-rape ‘yung anak ko kaya nu’ng tinulungan ni Tanggol at lumapit siya sa akin ay tinulungan ko rin dahil mayroon akong utang na loob sa kanya.”
Patuloy niya,”Na-verbalize namin ‘yun na kaming mga Muslim ang utang na loob ay binabayaran kahit buhay namin na kung ang isang Muslim ay gumagawa ng kasamaan ay hindi na nila itinuturing na Muslim.
“Itong taong ito dahil ang Muslim ay hindi masama (at) ang adhikain ay kabutihan at kapayapaan. Nakabawi kami sa show doon sa mga hindi nila nagustuhang eksena.”
Ang sabi raw ni Coco sa kanya, “Sabi sa akin, ‘Tito Rez gagawin nalang kitang mabait na Muslim. Ang ibig sabihin pala magpahinga na muna ako,” natatawang sabi pa ni Rez.
“’Yun ang mahirap do’n nawalan ako ng raket (trabaho), pero okay naman.
“Sabi naman ni Coco babalik naman si Abdul pero aayusin na niya ‘yung role para hindi naman ma-offend ‘yung mga kapatid nating Muslim,” aniya pa.