Advertisers

Advertisers

3 lalaki ‘guilty’ sa pagkatay sa aso

0 8

Advertisers

NAHATULAN ng ‘guilty’ ng korte ang tatlong lalaki na pumatay ng aso para gawing pulutan sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Mayor Camelo Lazatin Jr., hinatulan ng guilty ng Angeles City Municipal Trial Court Branch 3 sina Amorsolo David Guevarra, Renato Halili at Jerry Locading Mari sa paglabag sa Republic Act 8485, Animal Welfare Act of 1998. Pinagmulta sila ng P6,000 bawat isa.

Batay sa rekord, nakatanggap ang City Veterinary Office ng sumbong na may naganap na pagpatay sa aso sa Barangay Lourdes Sur noong Pebrero 4, 2023.



Agad nag-deploy ang nasabing opisina sa lugar na pinamumunuan ni Eder Pasamonte at nakita sa akto ang tatlong lalaki na niluluto ang aso upang kanilang gawing pulutan.

Si Mayor Lazatin ang nag-utos na sampahan ng kaso ang tatlo, at kauna–unahan na nangyari sa local government na nanalo sa pagsampa ng kaso laban sa mga pumapatay ng hayop.