Advertisers

Advertisers

Pinoy driver/bodyguard ipinaholdap ang among Malaysian

0 5

Advertisers

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang driver/bodyguard na kasabwat at kasama ang kaniyang ama sa pangpapaholdap sa amo sa loob ng isang condominium, sa Pasay City noong Martes.

Nadakip sa follow-up operation ang mga suspek na sina alyas Luis, 53; at ang ama na si alyas George, 75, bandang 11:00 ng gabi, base sa reklamo ng isang alyas Tang, 30, Malaysian national.

Hinoldap ang biktima sa loob ng condominium at tinangay ang kanyang sling bag na naglalaman ng P50,000 cash, iPhone 12 Promax, passport, at iba pang personal na gamit. Bukod pa rito ang tinangay na P33,000 na cash ng kaibigan niya.



Sa imbestigasyon, si Luis na personal dri­ver/bodyguard ni Tang, ang nagsilbing ‘tipster’ batay sa CCTV footage ng condominium at nakumpirma pa sa cellphone message nito na kinumpiska ng mga pulis.

Natukoy na planado ang panghoholdap, kasama ang amang si George, at iba pang suspek.
Nakapiit ang mag-ama sa Pasay City Police Station custodial facility.