Advertisers

Advertisers

Kahera kulong sa nawalang P3.7m ng kumpanya

0 4

Advertisers

INARESTO ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang kahera nang madiskubre ang pagkawala ng pera ng kumpanya na nagkakahalaga ng P3.7 milyon nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Kinilala ni Pasay City Police chief Colonel Mario Mayames ang inaresto na si alyas Veronica, 30 anyos, kahera ng isang recruitment agency sa Pasay City.

Inaresto si Veronica 5:00 ng hapon sa 2nd floor ng SKK Building sa kahabaan ng Senator Gil Puyat Avenue (Buendia Avenue), Pasay City.



Ayon kay Mayames, nadiskubre ni Ameer na nawawala ang P3.7 milyon na pera ng kanilang kumpanya, at sa kanyang patuloy na pag-iimbestiga nalaman nito ang mga hindi awtorisadong transaksyon sa bangko sa pamamagitan ng pagpeke ng kanyang pirma ng suspek.

Kasalukuyang nakapiit si Veronica sa Pasay City Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 169 (Forgery) at Article 310 (Qualified Theft) ng Revised Penal Code.