Advertisers
SA pangalawang pagkakataon, inaresto ang kontrobersyal na Drag Queen na si Pura Luka Vega, na napabilang din sa Top 10 Most Wanted Person sa District Level, Huwebes ng hapon sa DOH sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.
Si Vega, Amadeus Magallanes Pagente sa tunay na buhay, may kinakaharap na iba’t ibang kaso tulad ng Immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows.
Sa impormasyon na ibinahagi ng mga operatiba ng MPD Police Station 3 Intel at Warrant Section, nagsagawa sila ng manhunt operation upang i-serve ang warrant of arrest laban kay Pura Luka.
Ang warrant of arrest ni Luka ay mula kay Honorable Judge Dolly Rose Ranoco Bolante-Prado ng Quezon City RTC Branch 306.
Naunang naaresto si Luka noong Octobre 2023 dahil sa mga nabanggit ding kaso. (Jocelyn Domenden)