Advertisers
PINAGBABARIL ng armadong grupo ang mga manggagawa ng NGPI sa bahaging bundok ng Mt. Magdiwata, Purok-1, Bayugan 2, San Francisco, Agusan Del Sur, Huwebes ng umaga, Pebrero 29, 2024.
Kinilala ang nasawi na si Rolando Ayaton, parmol loader, at residente ng Purok-4, Barangay Libuac; habang ang 2 sugatan ay sina Daniel Galemba, parmol driver, ng Purok-3 , Barangay Maligaya, Rosario., Agusan Del Sur; at Jimmy Boy Lucero, parmol loader, ng Purok-7, Barangay Maligaya.
Sa salaysay ng security guard, sinabing papaakyat sila karga ang bunga ng palm oil nang pagbabarilin sila ng apat na lalaki ng mahahabang baril.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.