Advertisers
“Nakakapanakit ako ng kapwa ko player sa loob ng court kung minsan sa kagustuhan kong mapigilan ang aking binabantayan,” pag-amin ni Onchie de la Cruz sa atin.
“May pagkakataon ding inuutos mismo ng aming coach na bigyan ko ang kalaban para ma-insure na manalo kami,” dagdag ng kilalang bad boy sa PBA.
“Pumayag ako kasi masunurin ako at nangako silang babayaran ang posibleng ipataw na multa sa akin kapag nasita ng mga opisyal at umabot sa opisina ng Commissioner,” dugtong ng PSBA standout noon.
Yan ay isa lang aspeto sa mga revelation ng 10-year veteran ng pro league nang maging espesyal na bisita natin sa OKS@DWBL nitong Lunes.
Mahirap daw ang buhay ng enforcer. Kailangan mapigilan mo umiskor ang shooter ng katunggaling team. Tapos tagapagtanggol ka rin ng mga tumitira sa inyong superstar.
Ang sama pa raw na mababa lang pasweldo sa mga tulad nila. Siyempre halos ubos budget sa mga bida ng koponan.
Ang walo ang anak na cager nagsimula lang sa P10,000 kada buwan.
Nagretiro naman na P100k na ang sahod monthly.
Pero ayon kay Ka Berong kahit anong liit o laki ng kita ay dapat marunong humawak ng pera ang sinumang basketbolista.
Isang tunay pang kwento ni Onchie ay si Robert Jaworski pala ang nagbinyag sa kanya bilang rookie.
Nakatanggap daw kaagad sa unang game nila ni Big J noon kontra Ginebra.
“Mga idolo ko ganitong istilo na physical sina Charlie Badion, Engracio Arazas at Tembong Melencio,” sabi ni de la Cruz.
SI Badion closed talaga sa kanya kasi tataytayan niya.
Si Charlie pa nga raw kasama nang namanhikan si Onchie sa kasintahan.
May na-scoop din tayo hinggil sa nagdribol sa Tanduay, Shell at Presto.
Posible sa darating na mga episode ay mapanood natin si Onchie sa Batang Quiapo.
Inaayos raw ni Val Iglesias na isa sa cast ng numero unong programa sa Pinas na makasama sa future ang mga tinaguriang bad boys ng PBA. Bukod kay Onchie kukunsidera rin sina Harmon Codiñera, Rudy Distrito at Paul Alvarez
Si Val na ang kararakter ay kakamatay lang sa palatuntunan ang naglalakad ng konsepto sa direktor at producer kasi naniniwala itong maganda ang idea at malaki ang maitutulong sa kasikatan ng teleserye ayon sa ating piling-piling panauhin sa OKS.
***
Monster game ni LeBron James vs Clippers nagpanalo sa Lakers nitong Huwebes.
Tinalo ni James sa iskor na 19-16 ang kalaban sa fourth quarter para makahabol sa 21 point deficit. Pitong tres sa 12 na tira pa yan.
May kabuuan siyang 34 points (62% shooting), 6 rebounds,8 assists at 2 blocks sa game.
Totoong bang 39 na años yan?