Advertisers

Advertisers

Turn over of command ceremony sa PRO4 Calabarzon, pinangunahan ni Sinas

0 219

Advertisers

“Sama-sama tayo sa pag solve ng problema” isa ito sa naging mensahe ni Chief PNP PGen. Debold Sinas sa isinagawang turn over of command ceremony sa Police Regional Office Calabarzon matapos na palitan ni PBGen. Felipe Natividad si PBGen. Vicente Danao Jr., na siyang pumalit bilang Director ng National Capital Region Police Office .
Pinangunahan ni PGen. Debold Sinas ang naturang turn over command ceremony, na sinaksihan ng PNP mula sa National Headquarters Key Officers, miyembro ng team Calabarzon at Local Government Units mula sa lalawigan ng Calabarzon.
Ayon sa bagong talagang Regional Director ng PRO4 Calabarzon kung hindi man nito malampasan ang nagawa ni PBrig.Gen. Danao, papantayan naman nito.
Dating nakatalaga si PBGen. Natividad sa Bohol Police Provincial Office taong 2016 kung saan nasagupa nito ang mga miyembro ng Abu Sayyaf makaraang salakayin ang naturang lalawigan at ipagpapatuloy ang 5 Point Agenda ng Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang mga Agenda ng bagong talagang Chief PNP PGen. Debold Sinas.(Gaynor Bonilla)