Advertisers

Advertisers

Si Ulysses at Rolly

0 386

Advertisers

Sa gitna ng takot na bumabalot sa ating mga damdamin dala ng pandemiya dahil sa virus na nakamamatay na COVID-19, dalawang daluyong pa ang ating inabot bunga ng lakas na dala ng bagyong Ulysses at Rolly, nito lamang nakaraang linggo ng Nobyembre.

Sa ka-Bicolan halos nanalanta ang dalawang bagyo kasama na ang mga probinsiya pa ng Camarines at Catanduanes. Matapos bayuhin ng bagyong Rolly na itinuturing na “super bagyo” ng taon sa buong mundo, ilan araw lamang ay sumunod na agad ang bagyong si Ulysses.

Tila winalis ng bagyong Ulysses ang mga sinira ng bagyong Rolly. Finishing touches, ika nga na ikinalugmok ng marami sa ating mga kababayan kabilang na ang mga taga-Metro Manila, partikular ang mga naninirahan sa Marikina City.



Sabi nga ng ilan, ibinalik ng bagyong Ulysses ang malungkot na alaala nating napala noong nanalanta ang bagyong Ondoy labing-isang taon na ang nakalipas kung saan malawakang pagbaha ang naganap at 464 katao ang namatay.

Magkaiba man ng malaki ang bagyong Ondoy at Ulysses isama na natin ang bagyong Rolly, sinubok na naman ang matatag nating mga damdaming mga Filipino.

Magugulat ka dahil sa mga probinsiyang sinalanta ng dalawang bagyong magkasunod, ginamit ng ating mga kababayan ang kanilang kaalaman sa social media upang iparating sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na maayos naman ang kanilang mga kalagayan sa gitna ng mga pagkakasira ng mga ari-ariang kanilang naranasan.

Yan naman talaga tayo. Hindi basta-basta pinanghihinaan ng loob, bagkus ay buong tapang na haharapin ang anumang pagsubok sa buhay ang dumadating.

Lahat din ay nakagagawa ng paraan upang manawagan sa pamahalaan na kailangan silang tulungan. Gaya rin ng marami sa ating mga kababayan, ganyan din ang dalang tapang ng Administasyong Duterte upang maghatid naman ng tulong. Kaya nagawaran naman agad ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan na nasalanta ng dalawang delubyong bagyo.



Maging ang Pangulong Duterte na nasa gitna ng virtual o digital meeting ng mga Asean leaders sa kasagsagan ng bagyo ay nagawa pang putulin at magpaalam sa kanyang mga ka-meeting na mga lider ng bansa upang damayan ang ating mga kababayan. Naka-pangusap pa nga siya sa kanyang mga kameeting na magpadala rin ng tulong.

Malungkot nga lamang siya, dahil hindi na siya pinayagan ng kanyang mga Presidential Security Group na makalabas ng Palasyo upang puntahan ang mga apektadong mga Filipino.

Ipinakikita lamang ng Pangulong Duterte ang taglay na tapang bilang Filipino na damayan ang kanyang kapwa. Kaya ang kanyang ginawa na lamang ay pulungin at maglabas ng mga tamang kautusan upang sundin at gawin naman ng kanyang mga gabinete.

Mapa-Ulysses man at Rolly pa yan, ay walang pangamba. Bagyo lang ang mga yan. Filipino tayo!