Advertisers
Report ko ang mga mall sa Divisoria at sa Binondo, Manila, yung pulis na Velasco at mga guard sa mall patong sa mga tirador, pickpoket at salisi. Sana po matulungan nyo kami na makarating ito kay Yorme at sa hepe ng Manila Police lalo sa bagong upo na PNP Chief na si Sinas. Sobra na po sila. – Concerned vendor
Obstructions sa bangketa ng Juan Luna corner CM Recto, Tondo
Matinding obstruction ang inilagay na rehas na bakal na may nakakabit pang plywood sa bangketa ng Juan Luna, near corner CM Recto, Tondo side, malapit sa Western Union Money Transfer. Isang vendor na kung tawagin nila ay “Rambo” at alipores na Bryan at Ronald na pangahas na naglagay ng obstruction. Bakit ba nagsisiga-sigaan ang mga kumag na ito? Pakialis naman, kastiguhin ang mga maton sa bangketa. – SSC Pedestrians
Police outpost at ilalim ng footbridge sa Soler, Binondo puros obstructions na
Report ko po yung police outpost dito sa may Soler at ilalim ng footbridge wala nang madaanan ang mga tao puros illegal parking na ng mga motorsiklo. Malaki yata ang kita rito ng mga pulis eh. – Concerned citizen
Tulak sa Bgy. 55, Tondo, Manila
Gud am po. Puede po parating natin sa aming mahal na Punong Barangay 55? Kasi po Chairman c ate “Wil” po ayaw parin nia 2migil… pag hatinggabi cia hanggang madaling araw po siya nag22lak. Kasi naman Chairman puro ka lang dada, kulang ka sa gawa. Concerned lang po ako sa mga kabataan na baka madamay pag nagkahulihan. – Concerned citizen