Advertisers
PINAMUNUAN ni reigning rookie- MVP Josh Ybañez ang opensiba ng University of Santo Tomas na tuldukan ang 34-game winning streak ng defending champion National University, 25-23,26-24,25-19, para a kanilang opening victory sa UAAP Season 86 men’s volleyball tournament Linggo, Pebrero 18, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang last season’s finalist binuksan ang kanilang kampanya laban sa NU.
Nagtala si Ybañez ng 13 points on 12 kills at service ace tampok ang 17 excellent digs at five receptions para sa all-over – court act para itumba ang NU gaya ng kanilang ipinako.
“Isa na rin ‘yun sa motivation namin last year na matalo ‘yung NU sa first game pa lang. I think it’s a good start for the team na manalo against the defending champion. Siguro makakatulong ‘yun para tumaas ‘yung morale at kumpiyansa namin sa sarili,” Wika ni Ybañez.
Ang Bulldogs ay undefeated all the way patungo sa kanilang championship series laban sa Golden Spikers nakaraang taon para sa kanilang three-peat title.
GBoy De Vega nagdeliver ng six points kabilang ang kilig na kilig na service ace na pumigil sa NU’s sensational run na may 16 excellent receptions.
Angelo Almendras at Jade Disquito pinamunuan ang NU sa iniskor na 15 at 13 points,ayon sa pagkakasunod, na ang Bulldogs ay lumabas na talunan sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon.