Kathryn at Andrea tapatan at kabugan ng billboard; Gerald may hiling kay Julia bago maging Calendar Girl
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA kabila na napili si Julia Barretto ng isang inumin na nakalalasing bilang bagong Calendar Girl.
Magkahalong saya at nerbiyos naman ang nadarama ni Julia para sa gagawin nitong project bilang 2024 Calendar Girl ng isang alak.
May hiling daw ang bf na si Gerald Anderson sa gf kapag ginawa na nito ang project bilang Calendar Girl.
Hing lang ni Gerald sa gf na gawin nitong graceful ang kanyang bagong project at tastefully kapag nasimulan na.
Kahit naman ang kanyang pamilya mula sa kanyang Mommy Marjorie at mga kapatid ay may advise na kay Julia.
Natuwa naman si Julia sa pagiging supportive ni Gerald sa kanya kahit sa mga sexy pictorial.
***
KAHIT saan mang panig ng lugar sa bansa ay napansin ng mga netizen na tila na kahit sa billboard ay nagtatapatan sina Andrea Brillantes at Kathryn Bernardo.
Kung sa Guadalupe ay naging picture wall ni Kathryn, nakabalandra rin daw sa kabilang panig si Andrea.
Ikinaloka ng netizens dahil si Andrea raw ang ipinangtatapat kay Kathryn sa kanyang billboard.
Kung saan daw may billboard si Kathryn ay mayroon din si Andrea.
Well, well, well…’Yun na!