Advertisers

Advertisers

EROPLANO NAG-CRASH LANDING SA BUKID!

0 7

Advertisers

NAKALIGTAS ang isang piloto at estudyante nito nang mag-emergency landing ang sinasakyang Cessna plane sa isang palayan sa Malolos, Bulacan, Sabado ng hapon.

Sa Facebook post ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), nakaligtas sa insidente sina Captain Ysmael Argonza at Iñigo Martin.

Sa initial report ng pulisya, naganap ang insidente sa isang palayan sa Barangay Barihan 2:30 ng hapon.
Binanggit naman ni Bulacan Police chief, Colonel Relly Arnedo, nagsasagawa ng routine flight ang nasabing eroplano mula sa Subic patungong Plaridel Airport sa Bulacan nang magkaroon ng fuel shortage.



Sa kabila ng sitwasyon, naging kalmado sina Argonza at Martin kaya’t nakaligtas ang mga ito sa insidente.

“Their adherence to proper protocols and effective decision-making undoubtedly contributed to the successful outcome of this situation,” pahayag pa ni Arnedo.

Kasunod nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa naturang insidente.(Thony D. Arcenal)